Sunday, May 4, 2008
Magandang kwento . . . totoo at tumatalab . .
Isang bagong-saltang kaluluwa ang umakyat sa langit ang ngayon ay nakaharap kay San Pedro . Namasyal silang dalawa sa langit. Magkahawak-kamay silang naglakad-lakad sa isang malaking silid doon na puno ng mga anghel.
Huminto si San Pedro sa harap ng isang lupon ng mga anghel at nagsalita, "Ito ang silid-tanggapan. Sa silid na ito, tinatanggap lahat ng mga kahilingan sa panalangin."

Pinagmasdan ito ng kaluluwa, at nakita nitong abala ang lahat sa pag-uugnay-ugnay ng mga kahilingan na nakasulat sa bunton ng mga papel na galing sa buong mundo.

Nagpatuloy silang maglakad hanggang madaanan nila ang pangalawang lupon ng mga anghel. Ang wika ni San Pedro sa kaluluwa, "Ito naman ang 'Packaging at Delivery Section'. Dito, ang biyaya at mga pagpapala na hiniling ng mga tao ay binabalot at dini-deliver sa mga tao na humingi noon ."
Nakitang muli ng kaluluwa kung gaano ito kaabala. Maraming anghel doon ang talagang subsob sa trabaho sa dami ng mga pagpapalang hiniling at dini-deliver araw-araw sa lupa.

Hanggang sa dumako sila sa huling lupon, sa pinakamalayong lupon. Huminto ang anghel doon sa isang maliit na lupon. Sa kanyang pagkamangha, iisang anghel lamang ang nakaupo doon, walang ginagawa.
"Ito ang 'Acknowledgement Section," sabi ni San Pedro .

"Bakit tahimik? Wala ba silang ginagawa rito?"

"Nakakalungkot, " sagot ni San Pedro ,"pagkatapos makatanggap ng sagot sa kanilang mga panalangin ang mga tao, kakaunti ang nagbibigay ng pasasalamat. "

"Papaano ba magbibigay ng 'acknowledgement' ang mga tao sa Diyos?"
"Simple lang. Sabihin mo lang na "Salamat po Panginoon."

"Ano bang pagpapala ang dapat nilang ipagpasalamat? "

"Kung may pagkain ka sa iyong hapag-kainan, damit na sinusuot, may bahay na tinutuluyan at kamang tutulugan, ikaw ay mas mayaman sa 75% sa mundong
ito.

"Kung may salapi kang naiipon sa iyong pitaka at may natitira pang pambili ng pagkain, ikaw ay isa sa 8% na may mga kabuhayan sa mundo.

"Kapag nakuha mo ang mensaheng ito sa iyong computer, bahagi ka ng 1% sa mundong ito na may ganyang oportunidad.

"Kapag gumising ka sa umagang ito na walang sakit, mas pinagpala ka sa milyong tao sa mundong ito na hindi na makagising dahil sa hirap ng buhay.
"Kung di mo nararanasan ang takot sa gitna ng giyera, ang kalungkutan sa loob ng piitan, ang pasakit ng mga pagsubok, at ang pangil ng pagkagutom, mas malayo ka nang milya-milya sa 700 milyong tao na nabubuhay sa mundo.

"Kung buhay pa ang iyong mga magulang at nananatiling magkasama sa bisa ng kasal, kakaunti lang kayo.

"Kung naititingala mo pa ang iyong ulo nang may ngiti sa iyong mga labi, hindi ka kasama sa karamihan. Naiiba ka kaysa sa kanila na puno ng kapighatian at mga kagulumihanan. "

Tanong ng kaluluwa, "Kung gano'n, papaano ako magsisimulang magpasalamat? "

"Kung nababasa mo ang mensaheng ito, nakatanggap ka na naman ng dobleng pagpapala, dahil may isang nagpadala sa iyo na iniisip na espesyal kang nilalang, at mas pinagpala ka kaysa sa dalawang bilyong mga tao sa buong mundo na hindi marunong magbasa . . .
"Pagpalain ang araw mo, bilangin mo ang iyong mga pagpapala, at kung ibig mo, pagpalain mo rin ang mga tao sa iyong paligid upang malaman din nila kung gaano sila pinagpala ng Panginoon.

ATTN: Acknowledgement Department: "Salamat po, Panginoon. Salamat po sa pagbibigay mo sa akin ng abilidad na ibahagi ang mensaheng ito at sa pagbibigay mo sa akin ng mabubuti at magagandang tao na babahaginan nito!
"Salamat po."

Labels:

posted by graxiia na at 8:43 PM | Permalink |


0 Comments: